What’s with the BBM?

Nagsimula akong ma-curious dahil lang sa isang comment sa fb status ko. Updated status via BlackBerry. Nasabi ko naman dati na may ginagamit ako ngayong BB. Sabi ko pa nga na BBB, as in Borrowed BlackBerry. Haha!

Ngayon, dun sa isang comment may binigay sya na parang code. Syempre di naman ako ganon kainutil para di ko ma-gets kahit konte ayun. Naisip ko, nagpapa-add sya. BBM daw e. 

OMG! Anong BBM? Oo may ginagamit akong BB pero ginagamit ko lang as camera at pag-FFB na din pag nasa labas. Di ko alam yun. Medyo nag-panic ako. Oo. Haha! Lipat tuloy ako kay kaibigang Google. What is bbm? tanong ko sa kanya. At nasagot naman nya ako ng ayos as expected syempre. BlackBerry Messenger pala itetch! 

Aanhin ko ga pa ga yung BBM na yun? Ala! Di ko na inalam pa ng lubusan kung pano gamitin yun. Tek na yan! Ayos na ako dine, gugulo laang ang patas. 

27 notes | Reblog
2 years ago


Posted on August 23rd at 9:51 PM
Tagged as: BBM. anong meron?. mangyan ako e. BlackBerry Apps.
  1. iamkada posted this